Who’s Gonna Save Us Now / Hilera
Who’s Gonna Save Us Now / Hilera
Magsisi ka man
Hindi na maibabalik ang dati
Hilahin mo’ng kamay ng orasan
Hindi ka pahihintulutan ng sandali
Hindi ito ang katapusan
Mapurdoy man sa salapi
Pinalibhasa mo ang minsan
H’wag ganoon parati
Kapwa ang patusin
Lasunan man kung iyong mawari
Sanlaksang ligayang mithiin
Teh, ito’y iyong aring ari
Itigil ang pagmumukmok
Aura ay paigtinging mabuti
Isantabi ang pagkalugmok
Ganda lang dapat Ati
Iniwan ka na niya
Bakla, alam mong ganyan palagi
Itigil na ang ‘yong drama
Makakahanap ka pa ng panibagong titi
Kung ayaw mong masaktan, magkulong ka sa kwarto, h’wag kang maglagay ng bintana at pinto, at isipin mong wala ng ibang nag-eexist na tao sa mundo bukod sa ‘yo. Hindi ka nga masasaktan, mawawalan naman ng saysay ang buhay mo.
Hindi dapat ganoon.
Kung walang pagkakataon na ang mundo ay mag-adjust para sa ‘yo, ikaw ang gumawa ng paraan para makiayon sa takbo nito. Isipin mong hindi lang naman ikaw ang nahihirapan. Marami pang iba bukod sa ‘yo. Iba na ‘yang pagmamahal na nilalaan mo sa sarili mo kung pakiramdam mo ay minamaliit ka na ng bawat tao. Eksaherada? Pinako ka ba sa krus para magdrama ng bongga? Siya nga, pinasakitan na nang lahat, nagawa pa ring magsagip ng buhay ng iba.
Lalaki lang ‘yan. Kung niloko ka, at least nalaman mo habang maaga. Nawalan ka lang. May iba nga, kahit kailan hindi nagkaroon. Kaya h’wag mo ng pahirapan pa ang sarili mo sa paghawak sa sakit kung mas maginhawa namang bitawan ang mabibigat na dinadala.
Smile. Chin up. Fuck some more.
Bittersweet / Panic! at the Disco
- Diego / Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa satsat
Ilang tao na kaya ang namatay pagkatapos ng prusisyon ng Nazareno? Sa langit kaya sila didiretso? Ilang tao kaya ang nagpalatak, nagmura at suminghal matapos matapakan, madaganan at magalusan? Musika kaya sa pandinig iyon ng Diyos? Ilang libo kayang tao ang nagsisiksikan, gitgitan at tulakan makahawak lang sa rebulto? Exempted kayang kasalanan iyon? Ilang toneladang kalat kaya ang naibudbod sa kahabaan ng Maynila matapos ang prusisyon? Magandang tanawin kaya iyon na magugustuhan ng Diyos? Ilang bata kaya ang kinaray-karay ng kanilang mga magulang? Alam kaya nila kung bakit ginagawa ng matatanda ang pagsasakripisyo? Karapatdapat bang tuparin ng Diyos lahat ng hiling ng tao? Natutupad ba ang mga iyon? Totoo bang may milagro? E bakit si Ate Guy, sinabing walang himala pero ang himala daw ay nasa puso natin, adik ba siya? May kaparian kayang sumasama din sa prusisyon para mahawakan ang rebulto o kabilang sila sa mga elitistang kayang hawak hawakan ito sa panahong umaamot sila ng milagro? Kapag Pari ba, sa langit na agad ang punta? Hindi ba’t ayaw nila ng dahas at gulo pero bakit pinagpapatuloy pa rin nila ito? May posibilidad bang maging sadista ang mga Pari? Hindi ba’t kabilin-bilinan ng Diyos na masamang sambahin ang repleksyon niya? Bakit masyadong panatiko ang mga Pilipino sa rebulto?
Sabi nga nila, basta para sa Diyos, ayos lang lahat ng sakripisyo. Sabi naman nung napanood kong ininterview, kahit daw mamatay siya sa prusisyon e okay lang dahil panata niya iyon, kahit na inuukilkil ng Diyos na ang buhay ay hindi sinasayang. Mayroon naman nagsabing matupad lang ang kahilingan niya masaya na siya na para bang nagpakahirap siya doon kasi alam niyang may babalik sa kanya, hindi iyong ginawa niya iyon kasi mahal niya ang Diyos.
Relihiyon pa ba itong kinakabilangan mo o institusyon na ng himala’t milagro?
Masaya kaya ang Diyos sa ginagawa ng tao?
(via scarbread)
When It’s Time / Greenday
Right Behind You / Brandon Flowers